musikang umaalingawngaw
tila walang saplot ang sumasayaw
giling at indayog na nagbibigay pukaw
sa mga kalalakihang uhaw

uhaw—sa laman.
mga nilalang na ‘di huwaran
pera ang puhunan,
bulaklak na humahalimuyak makakamtan

isinugo ang sarili
sa demonyo’y nagpatali
walang bakas ng tili
halinghing ang siyang pinili.

sa silid parausan, hinayaang nakahubad
kalakip ang perang galing sa huwad
“Panginoon, patawad”
impit ng babaeng hubo’t hubad.

dangal at dignidad ang kapalit
sa mundong mapait
sarili’y ‘di ipinagkait
sa nilalang na ka’y lupit.

† tres

Leave a comment